Iskrip ng Dula


Musika ng Puso

Adaptasyon ng Maikling Kwento


Scene 1: BAHAY
Narrator: Isang araw sa magarang bahay, may isang binata na nagngangalang Celestino Guivarra. Katulad ng ibang binata, si Celestino ay may pangarap din. Ang kanya ay maging isang tanyag na musikero. Musika ang gusto niyang kunin sa kolehiyo. Ito ang pangarap na inaasam na makamit.
*Celestino ay tumutugtog ng gitara
Manang: *katok sabay pasok* Nandito na mga magulang mo. Bumaba kana dahil tayo ay maghahapunan na.
Celestino: *Tinago ang gitara* Sige po, susunod na lamang ako sa baba.
Manang: Hala sige basta bilisan mo. *lumabas
*after 3 secs- Celestino ay tumayo at bumaba
*pagdating sa hapagkainan ay nakaupo na ang ina at ama
Celestino: Mano po ma, pa *seats
Mama: Oh, kamusta naman ang araw mo anak? Ano ba ginawa mo sa araw na ito?
Celestino: Okay lang naman po, ma. Uhhh ehhh wala naman po.
Papa: *eyebrows meet* Aba! Sinasayang mo lang ata oras mo ah! 'Di mo man lang naisipan na mag-aral para sa UPCAT?! Eh baka pagtugtog nanaman inaasikaso mo! Umayos ka, Celestino!
Celestino: Nag-aaral naman po *weak smile* Oh ma, kumusta naman yung pasyente niyong na aksidente kahapon?
Mama: Okay lang naman, gumagaling na. Oh sya, kumain na tayo.
Narrator: Dali- daling inubos ni Celestino ang kanyang pagkain
Mama: Oh saan ka pupunta?
Celestino: Busog na po ako.
Narrator: Diretsong umakyat sa kanyang kwarto. Siya ay umupo sa kanyang kama habang tulalang nakatingin sa gitara.
Mula pagkabata ay pangarap na niya ang maging musikero. Isang pangarap na sa kasamaang palad ay 'di suportado ng kanyang mga magulang.

Scene 2: PAARALAN
*Bell- dismissal time
Friend 1: Uy Celestino, kamusta? Natanggap ka ba?
Celestino: Ha? *scratches head
Friend 1: Hayyy, yung audition mo nung nakaraang linggo para sa tawag ng talento. Kumusta? Natanggap ka ba?
Celestino: Ayyy oo *smiles* Oo, natanggap ako.
Friend 1: Sabi ko naman sayo eh. Sus ikaw pa.
Celestino: Pero ewan ko ba. 'Di na siguro ako sasali.
Friend 1: Ha, bakit?! Sayang naman.
Celestino: Eh kasi magkasabay yung araw ng tanghalan at ng UPCAT Exam ko.
Friend 1: Eh pwede ka naman sumunod. Buong araw naman yung tanghalan. Hanggang alas dose lang naman ng tanghali yung UPCAT Exam eh.
Celestino: Uh, eh sige susubukan ko.
Scene 3: KWARTO
Narrator: Pinagisipan ng mabuti ni Celestino kung sasali ba siya sa naturang kumpetisyon.
Celestino: *3 strums
Mama: *Biglaang pumasok sa kwarto at tinignan ang paligid* Hay nako, Celestino! Tumutugtog ka nanaman? Anak, ilang beses ba namin kailangang sabihin sa’yo ng ama mo na wala kang kinabukasan diyan. Walang perang makukuha sa pagiging musikero. Ibaba mo na ‘yang gitara mo at mabuti pang mag-aral ka na. Hay nako itong batang ‘to, sakit sa ulo.
*Mama walks out.

Scene 4: UPCAT EXAM VENUE
Narrator: At sa wakas ay dumating na ang araw ng UPCAT Exam na kasabay din nang tanghalan. Si Celestino ay nasa paaralan na kung saan gaganapin ang pasulit. Nakaupo ang binata sa itinalagang upuan para sa kanya.
Proctor: Magandang araw sa inyong lahat! Ako ay si _________________ at ako ang magiging proctor niyo sa pasulit na ito. Kung may katanungan, sa akin itanong ‘wag sa katabi. Sisimulan na natin ang pagsusulit, siguraduhing handa na ang mga kinakailangan na kagamitan.
Narrator: Sinimulan ni Celestino ang pasulit.
*SFX-tick tock tick tock
Narrator: Natapos ni Celestino ang pagsusulit at dali dali siyang naghanda upang umalis.

SCENE 5: TAWAG NG TALENTO VENUE
Host: BONGGANG WELCOMING SA INYONG LAHAT
Let us welcome our fifth contestant, Celestino Guivarra.
*Celestino plays the guitar
Host: Napakaganda naman ng mga talentong iyon! Talagang nakakabighani ang talentong Pilino! Ngayon ay idedeklara na kung sino ang nanalo. *SFX* At ang nanalo ay si Contestant #3!
Celestino: *dismayado, monologo* Akalo tuloy-tuloy na ang swerte simula noong nakapasa ako sa audition. Siguro tama nga silang mama at papa, baka hindi nga para sa akin ang pagiging musikero.

Scene 5: BAHAY
Narrator: Lumipas ang dalawang buwan at nakuha na ni Celestino ang resulta ng kanyang UPCAT Exam.
Celestino:Ma! Pa! Nakapasa ako!
Mama: Masaya kami para sa iyo anak!
Papa: Oh mabuti naman…
*SFX- fast forward

Scene 6: HOSPITAL- Clinic
Celestino: Basta inumin mo yung mga gamot mo sa tamang oras para ‘di ka na magkasakit.
Patient: Sige po, maraming salamat po doc.
Celestino: Walang anuman. Get well!

Scene 7: BAHAY
*Naghubad ng white gown. Kaharap ang piano. Press few keys*
Narrator: Pagod na pagod si Celestino na….
Celestino: Hay mabuti pa yung nota, hindi ko na pinipilit na saluohin, sadyang natural lang talaga sa utak ko. Hindi katulad ng mga sakit at parte ng mga tao.

Comments