Maikling Kwento

Musika ng Puso


Tila nakakahalina ang tunog ng gitara ni Celestino sa kaniyang kwarto habang tinutugtog niya and kaniyang paboritong kanta.
Mula sa kaniyang maliit na kwarto, ang musika ay umaalingawngaw sa buong parte ng bahay. Sa mga araw na ganito, malaya niyang natutugtog ang kaniyang mga instrumento na hindi natatakot sa kung ano ang sasabihin ng magulang. Sa lahat ng oras, kailangan niyang panatilihin ang musika sa kaniyang sarili lamang – pwera na lang kung nais niyang makatanggap ng sermon kung paano niya inaaksaya ang buhay sa musika. 
Nagmula siya sa isang pamilya ng mga doktor kaya naman inaasahan siyang sumunod sa mga yapak ng kaniyang pamilya, lalo na’t nag-iisa siyang anak. Madali niyang nakukuha ang gusto basta’t gawin niya lang ang kaniyang parte bilang isang anak. Hindi niya ipinagwalang-bahala ang pangarap ng kaniyang magulang, ngunit alam niya na hindi ito para sa kaniya. Dahil mas gusto niyang ipagpatuloy ang musika at mas bigyan ito ng pansin.
Kakalibitin niya na sana ang huling kuwerdas ng tinutugtog ng may marinig siyang katok mula sa kaniyang pinto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at dumungaw ang kanilang manang.
“Nandito na yung nanay at tatay mo”
Tumayo si Cellestino at tinago niya ang kanyang gitara sa ilalim ng kaniyang kama. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at lumabas ng kwarto.
Nakita niya ang kaniyang magulang sa hapag-kainan. Naghihintay ang dalawa sa kaniya. Kinamusta ni Celestino ang dalawa habang umuupo
“Kamusta ang araw mo, anak?” nakangiting tanong ng kaniyang ina
“Okay lang.” sagot ni Celestino
“Nakapag review kana ba?” tanong ng kaniyang ama sabay taas ng kilay
“Uh, nagsisimula na po.”
Gusto ng magulang ni Celestino na makapasok siya sa UP o UST sa kolehiyo. Umaasa silang makakapagtapos ito sa paaralan na kanilang gusto sa kursong medisina. Nagsimula na si Celestino sa mga kinakailangan sa pagpasok sa kolehiyo– sa katunayan, ang mga magulang niya talaga ang naghanda ng mga kinakailangang ito. Para sa kaniya kasi, wala siyang pakialam kung makakapasa siya o hindi.
“Alam mo naman siguro na dapat mo itong seryosohin, diba?” Tanong ulit ng kaniyang ama na tila mas seryoso kung ikukumpara sa karaniwan.
“Alam ko po,” sagot naman ni Celestino na halatang hindi interesado.
“Alam mo? Kung alam mo edi kumilos ka naman kahit papaano at hindi puro tugtog lang diyan sa walang kwenta mong gitara!”
Naging tahimik ang atmospera ng hapag kainan habang nilalagay ni manang ang pagkain sa mesa. Hindi matingnan ni Celestino ang kaniyang ama sa mata. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit tutol ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pagmamahal sa musika. Tila kinamumuhian talaga nila ang musika. Lage nilang pinapaalala sa kaniya na dapat makapasok siya sa isang mabuting paaralan at dapat siyang maging doktor. Hindi man lang nila naisip ang nararamdaman ng kanilang anak.
“Pasensiya po,” sabi ni Celestino, taos-pusong nanghihingi ng tawad. Kahit mahal na mahal niya ang musika, hindi nito mahihigitan ang pagmamahal niya sa kaniyang magulang.
“Pasensiya rin, anak,” Sabi naman ng kaniyang ama habang kumukuha ng pagkain sa mesa.
Binalot sila ng matinding katahimikan hanggang sa matapos nila ang kanilang hapunan.

Habang papalabas si Celestino ng paaralan, naagaw ang kaniyang pansin ng nakasulat sa kanilang school billboard.
May nakapaskil na “SCHOOL TALENT SHOW” na nakataga gamit ang napakatingkad na kulay pulang tinta. Bukas ito para sa lahat.  Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga mukha nang n=makita niya ang petsa ng nasabing talent show.
September 15  -  Araw ng entrance exam sa UP, ang paaralang gusto ng kaniyang magulang.
Pag-uwi niya, tumugtog muna siya ng ilang kanta sa kaniyang kwarto. Buong puso niyang gustong sumali sa talent show, lalo na’t ito ang pangarap niya sa buhay at alam niyang doon siya magaling. Ngunit, nais ng kaniyang magulang na maipasa niya ang entrance exam para maging isa rin siyang doktor kagaya nila.
“Celestino?” tawag ng isang boses habang bumubukas ang pintuan sa kaniyang kwarto.
Nagulat at nanlilisik ang mata ng kaniyang ina noong nakit nito ang gitara sa mga kamay niya. Inilagay niya ang gitara sa ilalim ng kaniyang higaan, naghanap siya ng idadahilan, ngunit isang buntong hininga lang ang binigay ng ina.
“Alam mo namang ginagawa namin ang lahat ng ito para sa iyo diba?” Sabi ng kaniyang ina habang tumitingin sa mata ni Celestino. Walang isinagot si Celestino kaya naisipan niya  nalang umalis sa silid nito.
Pinagtuonan niya ng pansin ang kaniyang mga reviewer dahil alam niya na itong ginagawa niya ang gusto ng kaniyang magulang.  Math, English, Science, Filipino, Abstract Reasoning. Mga random na impormasyon na naka-imbak sa kaniyang isipan.  Binasa niya ito ng paulit-ulit hanggang sa nakaramdam na siya ng antok.
Bago siya tuluyang nagpatianod sa kanyang antok, binuksan niya muna ang piano na matagal na niyang hindi nagagamit at tumugtog ng dalawang kanta. Sumilay sa kaniyang mukha ang tamis ng kaniyang ngiti at tuluyan ng naka-idlip.

Habang tumutugtog parin siya hindi paring mawala sa kanyang isipan ang talent show na iyon dahil alam niya na ito ang makakapag pabago sa kanyang buhay at maaalala siya ng mga tao bilang isang tanyag na musikero, ngunit nasa isip niya pa rin ang kanyang mga magulang. Tila ba pati tadhana ay ayaw siyang ipagpatuloy sa kanyang pangarap. Pero hindi niya talaga mapigilan ang kanyang gusto ay nagpa register siya sa talent show at sisikapin niyang pasukan ang dalawang importanteng magaganap sa araw na iyon---- ang talent show at ang entrance exam.

Kinabukasan, hindi mawala sa kaniyang isipan ang talent show na maaaring makapagbago sa kaniyang buhay bilang isang musikero. Ngunit, inaalala niya ang kaniyang mga magulang. Hadlang sa pagiging musikero ni Celestino ang kaniyang mga magulang sapagkat gusto nila na siya ay maging isang doktor. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil nais niya ring makapag audition sa talent show ngunit sa araw na iyon magaganap ang University of the Philippines College Admission Test o UPCAT. Sa huli ay napagdesisyunan niyang magsikap na makadalo sa dalawang pangyayari sa loob lang ng isang araw.
Sa araw ng UPCAT, sinikap niyang makatapaos ng maaga ngunit hindi niya ito binalewala at sinagot niya ito ng maayos. Pag tunog ng bell, ipinasa niya ang papel sa proctor at daling tumakbo papunta sa eskwelhan para sa audition.

Nang makarating si Celestino sa lugar ng pag-aauditionan ay mainam siyang naghintay at pumila para sa matagal ng hinihintay na pagkakataon. Nang dumating na ang oras ni Celestino na magpakitang gilas, ginawa ni Celestino ang lahat at tinugtog niya ang kaniyang paboritong kanta.
"Maraming salamat, tatawagan ka nalang namin para sa resulta ng iyong audition," pa walang pake na sabi ng isang judge kay Celestino.
Dumaan ang ilang araw ngunit wala paring dumarating na sulat o text mula sa patimpalak, tila nawawalan na ng pag-asa si Celestino na makapasok pa sa patimpalak na sinalihan. Isang araw ay may dumating na sulat. Sabik na binuksan ni Celestino ang sulat ngunit napabuntong-hinga ang binate.
"Ito na siguro ang senyales mula sa Panginoon, baka hindi talaga para sa akin ang musika," malungkot na sinabi ng binata habang binabasa ang sulat na naglalaman kung paano hindi nakapasok si Celestino sa patimpalak. Dahil sa malaking kabiguan na ito na nagsilbing harang sa liwanag ng mga pangarap ng binata, napilitan siyang sumunod na lamang sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang
Sinunod ni Celestino ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang, labag man ito sa kaniyang loob. Siya ay nag-aral ng medisina. Ginugol niya ang sampung taon ng kaniyang buhay sa isang bagay na hindi niya naman gusto. Nag-aral siya ng nag-aral. Di kalaunan ay nagtapos siya bilang isang doktor at nagtrabaho sa isang tanyag na ospital sa bansa.

Nabuntong-hininga si Celestino ng maalala ang lahat ng kaniyang pinagdaanan.
Si Celestino ay nakaupo kaharap ang piano. Suot pa nito ang doctor’s clothes dahil siya ay nanggaling pa sa mahabang araw na pagtatrabaho.
Naalala niya ang sinabi ng kaniyang manang na nanggaling kay Confucius: "Find a job you'll love and you'll never have to work for a day."
"Kaya siguro ramdam na ramdam ko ang pagod."
"Mabuti pa yung mga nota hindi ko na pinipilit na saulohin, sadyang natural lang talaga sa utak ko. Hindi katulad ng mga sakit at parte ng mga tao.” Sabi nito sa sarili.
“Upang ako ay maging isang doctor, namatay ang musika sa aking puso,” dagdag pa nito na may malungkot na ngiti sa labi habang nakatitig sa piano.
Ang kaniyang mga daliri ay perpektong bumangga sa tipahan ng piano na bumubuo ng napakagandang tunog dulot ng mga nota. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at tuluyang tumulo ang mga luha.

Comments