Craft Essays

Tula

Isinulat ni: James Cachola

       Mahirap magsulat ng tula dahil nangangailangan ito ng pokus at matinding pagiisip. Ang larangan ng tulaan ay nagsimula sa mga grego at hanggang ngayong ay patuloy parin sumiskat dahil sa patuloy nitong pagbabago, pageevolve at pakikipagbagay sa oras at panlasa ng mgataong gumagamit nito. Noong nakaraang lingo kami ay naatasang gumawa ng tatlong tula. Mga tulang haiku, kumbensyunal at Malaya at nakalaan sa papel naito ang naranasan ko ang mga bagay na aking pinagdaan sa maggawa ng nasabing mga tula.
Unang una ay ang haiku, bagamat sa simula mukha man itong madali dahilsa maikling bilang nito, ito mismo ang nagpapahirap sa paggawa ng nasabing tula dahil kailangan mong ipagkasya ang iyong mga ideya sa 5-7-5 na sukat na siyang nagpapahirap sa pagbuo ng nasabing tula. Napaisipan kong gumawa ng tula tungkolsa lovelife ng kaibigan kong si jennywen sa pagkat tila kontrobersyal ang nasabing buhay ng kaibigan. Ang tulang nagawa ko para sa haiku ay kung gaano ka selfless pwede maging ang pagibig, at kung hanggang saan ang pwedeng tiisin ng isang taong nagmamahal para sa taong kanyang minamahal. Pangalawang tula naman ay ang kumbensyunal, ang kumbensyunal ay ang tradisyunal na paraang ng pagsulat ng tula na may sisusunod na bilang ng taludturan na lalabindalawahin o lalabinwalohin. Medyo nahirapan ako sa parting ito sa pagkat hindi talaga ako magaling sumulat ng tula kaya nagpaturo at tulong muna ako saaking mga kaibigan bago ko sinimulan ang tula. Ang topic na aking napili para sa kumbensyunal ay ang buhay ng isang estudyante. Kung gaano ka hirap ang buhay ng mga kabataang magaaral at ang pagtitiis na kanilang ginugugol para lang maabot ang kanilang mga pangarap. Naisipan kong ito ang aking maging topic upang mging masmadali ang pagsulat ko dahil komportable ako sa topic na aking napili at alam ko mismo ang siyang emosyon na dapat umiiral sa tula. Panghuli naman ay ang Malaya, kaiba sa  dalawang nauna, ang Malayang tulaan ay nangangahulugan ng mismong pangalan nito wala itong porma at wala rin itong straktura. Para sa tulaang ito napili kong gamitin ang paksa tungkolsa pagmomoveon upang maging malikhain ang pagkasunodsunod ng aking mgatula dahilsa pinakauna sa tulaang haiku pinakita ko kung gaano kaganda ang pagibig at sa panghuli naman ay kung gaano kasakit ito maging para sa ibang hindi nakakatanggap ng nasabing bagay mula sa mga taong minamahal nila.


Pagbabalik Tanaw sa mga Tulang Aking Isinulat

Isinulat ni: Leah Burgos 

     Ayon kay Somerset Maugham, “If you can tell stories, create characters, devise incidents, and have sincerity and passion; it doesn’t matter how well you write’’. Inaamin ko na hindi talaga ako mahilig mag sulat ng mga tula o kahit anong mga literary piece lalo na kung sa tagalog. Kaya naman noong binigay na ang aming mini task para sa Malikhaing pagsulat sa semester na iyon hindi ko alam kung tuwa ba o lungkot ang aking nadarama dahil magsusulat kami ng hindi lamang isang tula kung hindi ay tatlo. Kahit hindi ako sanay, nakabuo parin ako ng tatlong tulang isinulat ko na talagang galing sa aking puso. Ang mga pamagat nito ay Ama, Para kay Inay, at Kaibigan.

          Ang unang tula ay pinamagatan kong “Ama”. Ito ay isang Haiku; uri ng tula kung saan may tatlong taludtod lamang na mayroong 5-7-5 na pantig. Tinatalakay nito kung gaano tayo kamahal ng ating Panginoon. Na kahit ano mang problema ang dumating o mga sakuna na ating madadanas nandiyan parin siya at gumagabay sa bawat hakbang na ating tatahakin basta ay patuloy lang tayong manalig sa kanya. Hinding-hindi niya tayo iiwanan at hindi niya tayo bibigyan ng problemang hindi natin kayang solusyonan. Maniwala lang tayo sa kanya sapagkat mahal niya tayo at ‘di niya tayo pababayaan.

          Ang uri ng ikalawang tula na aking isinulat ay kumbensyunal. Pinamagatan ko itong “Para kay Nanay” at iniaalay ko ito sa aking ina na walang sawang sumusuporta at gumagabay sa akin sa lahat ng aking gagawin. Ang taong maraming sinakripisyo para lamang sa aming ikabubuti. Ang taong inuuna ang aming mga pangangailangan kaysa sa kaniyang pansariling kagustuhan. Kaya naman ang tula na ito ay isinulat ko para kahit papaano ay mabatid niya ang pagmamahal ko sa kaniya at para malaman niya na importante siya at hindi ko mawari ang buhay ng wala siya sa aking tabi.

          Ang ikatlo at ang huling tulang isinulat ko ay ang “Kaibigan. Ito ay isang malayang tula kung saan tumatalakay sa karanasan ng aking kaibagan na may pinagdadaanan sa buhay. Nais kong iparating sa kanya na hindi siya nag-iisa at narito lamang ako sa kanyang tabi, handang makinig sa kanyang mga dilema at mga suliraning patuloy na hinaharap. Gusto kong ipaalala sa kanya na kayang-kaya niya ang mga problemang darating sapagkat mahal siya ng Diyos at kasama niya kami sa kanyang laban. Hindi namin siya tatalikuran at kung kailangan niya ng masasandalan narito lamang ako hang sumuklolo.

           Iba’t ibang tula na may iba’t ibang nais ipabatid. Bawat tula ay may kwentong malapit sa aking puso. Hindi naging madali ang proseso sa pagbuo ng mga tula ngunit nabigyan ako ng pagkakataon na sariwain muli ang alaalang tila ay nakalimutan na. Kahit na marami akong agam-agam sa pagsulat ng  tula, nakabuo parin ako ng tatlong tula na galing sa akong puso at punong-puno ng emosyon. Alam ko sa aking sarili na hindi dito magtatapos ang pagsulat ko nais kong palawakin ang aking kaalaman sa sining na ito.


Ekspresyon sa Pamamagitan ng Salita

Isinulat ni: Natalia Castrillo


           Ang pagsusulat ay isang gawa na hindi madali. Para magawa ka ng isang tula, maliit na kwento, o dula, kailangan ng isang manunulat maghanap ng isang topik na komportable sila, para hindi gaano ka mahirap magsulat sa topik na ito. Mas maganda ang output ng isang manunulat kung galing sa puso yung sinusulat niya. Hindi ako gaano magaling mag salita o magsulat sa wikang Filipino, pero yung mga tema na pinili ko sa mga tula na sinulat ko ay base sa akong mga damdamin at mga karanasan. Sa haiku, ang paksa ay ayon sa isang tao na gusting kalimutan ang iabng tao, pero marami siyang kaibigan o ibang tao na pinag usapan pa rin yung tao na ito. Sa kumbensyonal tula naman, ito ay ayon sa isa sa mga takot ko: pagbabago. Pero ito ay importante sa buhay, at dahil sa ito, sinasabi ng persona na dapat tanggapin niya na lahat ay nagbabago bahala hindi niya gusto. Sa huli na tula, isang malaya tula, ang paksa na ito ay isang tao na hindi makabagay yung mga aksyon niya sa mga salita niya. Lahat ng tema na ginamit ko para sa mga tula ay malapit sa puso, kasi ang mga isip ng persona ay ang mga isip din ko bilang isang tao. Sa proseso na ito sa pagsusulat, mapagtanto ang isang manunulat hindi siya nag iisa sa mga nararamdam niya, kasi yung mga sinasabi niya ay ang mga unspoken feelings sa iba.


Pagpapahayag ng Damdamin: Pagsulat ng mga Tula

Isinulat ni: Diana Dagaraga

       Isinulat ko ang tatlong tulang nagngangalang Mata, Nakatago, at Pangarap noong Hulyo 2018 bilang isang pangangailangan sa paaralan. Ngunit, ito ay aking ginawa ng seryoso dahil nais ko rin na ipahayag ang aking damdamin na nakatago na lamang. Nang sinabihan kami na gumawa ng tatlong tula sa uri ng haiku, kumbensyonal, at malayang tula ay hindi ako kaagad na nakapag-isip ng paksa sa aking mga tulang gagawin kahit pa na nais kong ipahayag ang aking damdamin. Hindi ko alam kung anong damdamin ang aking ipopokus sa mga tulang ito. Ngunit noong nakapagdesisyon na ako ay patuloy-tuloy naman ang pagpasok ng inspirasyon sa aking isipan.

      Makikita sa tulang Mata na ang mata ay nagsisilbing salamin ng ating tunay na nadarama. Ang tulang ito ay haiku kaya ito ay may tatlong taludtod na may sukat na pito-lima-pito. Ang tugma naman nito ay tularan dahil magkakatunog ang huling pantig ng mga taludtod at ang tugmaan nito ay ABA. Ang tema ay gaya ng unang nabanggit, na ang mata ay naglalaman ng mga katotohanang ating hinahap sa iba kahit pa na ito’y kanilang itinatago.

           Ang Nakatago naman ay isang kumbensyonal na tula na may labindalawang taludtod at ang sukat nito ay labindalawa rin. Ang tema na tulang ito ay Ang totoong dinarama ng isang tao ay hindi nito matatago ng panghabang buhay. Isinulat ko ito sapagkat ako ay nagtatago rin ng aking totoong nadarama parati. Ngunit nadadamdaman ko rin na nais ko talagang ipakita ang aking totoong sarili at hindi na magtatago sa ilalim ng maskarang aking ginawa para protektahan ako. Alam ko rin na napakaraming mga taong ganito lalong lalo na ang mga kabataan. Gusto kong malaman nila na hindi nila dapat itanggi ang kanilang totoong nadamdaman.

        Ang huli at pangatlong tula naman ay isang malayang tula na may labindalawang taludtod. Wala itong eksaktong sukat sapagkat ito ay isang malayang tula. Ang tema nito ay Ang mga pangarap ay ‘wag pigilang abutin kahit ikaw ay nababalot ng pagdududa at pag-aalangan. Ang inspirasyon ko sa tulang ito ay isang awit na Tsino na may pamagat na It’s Ok. Makikita sa tula na ito na hindi dapat natin kalimutan at sukuan ang ating mga pangarap. Kung tayo ay nababalot ng kadiliman ng padududa, kailangan lamang natin ng isang ilaw na maggagabay sa atin pabalik sa tamang daan. Hindi dapat sayangin ang oras at magsumikap na abutin ang mga pangarap.

           Ang tatlong mga tulang ito ay naiiba ng uri ngunit pinapahayag nito ang aking tootong nadarama. Pinapahayag din nito ang nais kung sabihin sa mga mambabasa at ang nais ko na kanilang isipin. Kahit na madali kong ginawa ang mga tulang ito, naglalaman pa rin ito ng aking mga totoong emosyon at opinyon.


Craft Essay: KUNG PAANO KO NAISULAT ANG TATLONG TULA

Isinulat ni: Kyrsten Go

           May kakaibang inspirasyon sa bawat tula.

           May kakaibang inspirasyon sa bawat tula. Noong setyembre nang isulat ko ang isang haiku, malaya tula, at kumbensyonal tula. Inaamin ko na habang nagsusulat ito pagod ako, hindi nababagabag, sa parehong oras sabay na inspirasyon. Dahil sa mga pagkaantala hindi ako seryoso sa pagsusulat ng tula ko, ngunit dahil sa pagpapaliban, nakuha ko ang inspirasyon ng pagsulat nito.

      Habang nagsusulat ng haiku naaalala ko kung gaano ang karamihan sa mga estudyante ay nakikipagpunyagi sa paaralan dahil sa kawalan ng tulog, ang iba ay nalulungkot dahil sa maraming “performance task”, “mini task”, pagsusulit at iba pa. Nag-susulat ko ang haiku sa susunod na araw matapos ipahayag ni ginang maricel ang MT. Sa malayang tula, ipinapakita nito ang mga saloobin ng mag-aaral kapag nadarama nila ang pagod mula sa mga bagay sa paaralan, nais nilang lahat na maging stress free, makatakas sa katotohanan sa isang sandali.

          Para sa kumbensyonal na tula, nag-hihirapan ko sa pag-sulat nito dahil nawawala ang aking inspirasyon at pagganyak matapos ko nag-sulat sa malaya na tula. Nagkaroon ako ng “writer’s block” ng ilang segundo, nag-hihirapan ko sa paghahanap ng inspirasyon sa aking kumbensyonal tula hanggang isang araw dumating sa aking ulo ang motivation dahil nakita ko ang aking mga kaklase naghihirapan sa kanilang mga proyekto at iba pang gawa sa paaralan dahil sa kulang ang kanilang oras. Mahirap mapanatili ang labing-dalawang pantig para sa tula para sa isang babaeng na tinuruan na magsalita ng ingles noong bata pa, pero sa huli sinubukan ko ang aking makakaya. Sa pangkalahatan, lahat ng aking mga tula ay nanggaling sa mga saloobin o sitwasyon na nakatagpo ng isang mag-aaral nahihirapan at pagod mula sa lahat ng mga bagay na nakatagpo nila sa eskwelahan.


Makabuluhang Pagsulat

Isinulat ni: Bob Mangalos

        Ang mga akda na aking mga nasulat ay tatlong uri ng poesya. Sa proseso ko ng pagsulat sa aking poesya ay unang-una ay dapat humanap ng inspirasyon sa iyong pokus. At meron din mga iba’t-ibang uri ng tula at ang mga napili ko ay Haiku, Kumbensyonal at Malaya na tula. Ang Haiku sa proseso nito ay may sukat na 5-7-5 na ito’y nag-uusap sa isang pokus. Ang ginawa ko ay para sa aso ko, naging inspirasyon ko sila dahil sila ay isang “man’s bestfriend” at madaming tao ay hindi sila trinatrato ng maayos, at ina-abusar io at minsan ito’y pinapatay, hindi man lang nila nakit ang halaga ng isang aso na andyan palagi. Sa paggawa din dapat hindi ka lalayo sa iyong pokus, at dapat din ito’y nagkakaisa. Gaya saaking pangalawang tula na isang kumbensyonal na pinamagatan na “dagat” dahil madaming nangyayari sa dagat. Medyo, natagalan ako sa paggawa nito dahil ito ay may tugma at sukat na sinusunod at kahit matagal akong natapos, maganda naman ang resulta at magandang pakinggan. At ang panghuli ay pinamagatan na “Sana” ito ay tungkol sap ag-ibig na naudlot. Sa paggaway nito dapat hindi ka lalayo sa iyong pokus at ito ay isang Malaya na tula ito ay mas madali kase walang sukat o tugmaan at Malaya kang sumulat kung anong gusto mo iparamdam at isulat.


Simpleng Matalinhaga

Isinulat ni: Michael Nacorda

       Nag sulat ako ng tatlong tula, ang mga tulang ito ay: Sapatos, Paano ba maging masaya, at Noong akoy bata. Ang mga tulang ito ay isang Haiku, Isang kombensyonal na nag lalaman ng sampong bilang, at isang malaya na tula. Ginawa koi to dahil ito ang ibinigay na instraksyon ng aming guro. Ako ay nagging intresado sa pag gawa ng tula dahil kahiligan ko rin ito. Ipinahayag ko dito ang aking na obserbahan sa mundo na aking kinalakihan.


         Punta tayo sa unang tula na nag ngangalang “sapatos”.  Simple lang ang mensahe nito. Ito ay tungkol sa isang tao na nag lalakad at lumalaban pa rin kahit kulang na siya. Ito ay para sa mga taong di na kailangan maging kompleto para lumaban. Di naman kailangan talaga dalawang sapatos para maka lakad. Kailangan lang ang Paa at sipag at tiyaga.



      Ang ikalawang tula ay ang kombensyonal na nagkakaroon ng sampong bilang. Nahirapan ako ditto dahil mahirap mag bilang kada linya. At kailangan ko pa mag iba ng mga salita par lang maging sakto ang iblang, Ang pamagat ng tula ay “ Paano ang maging masaya?”. Ginawa ko ang tulang to dahil lahat ng mga tao ay nalilito sa tunay na kaligayahan. Sana ay tayo ay masaya na hindi nag dedepende sa material na bagay.



          Ang pinaka huling tula na ang pamagat ay “noong akoy bata pa” Minsan pag pagod na pagod na ako sa kabuhayan ko ngayon. Tinitignan ko ang buhay ko noong akoy musmus pa lamang. Ginawa ko ang tulang to dahil ito ang kadalasan kong iniisip tuwing ako ay nag mumuni at madali ko lang ito maalala. Ang tulang ito ay tungkol sa kabilisan ng panahon at tungkol din ito sa mga masayang araw ko noong inosente pa ako.


Craft Essay

Isinulat ni: Kate Sajulan

Ako ay sumulat ng tatlong tula. Pinamagatan ko itong Pamilya, Tayo, at Siya. Ang mga tulang ito ay ginawa ko mula sa puso.

Ang una kong ginawa ay isang haiku. Ang haiku ay tulang may tatlong taludtod at may sukat na 5-7-5. Ang aking ginawa ay patungkol sa pamilya kaya naman pinamagatan ko itong ‘Pamilya’.  Ang ating pamilya ay laging nandiyan para sa atin, masasaya at malulungkot na panahon man.  At laging maasahan sa ano mang oras. Ito ang una kong ginawa dahil para sa akin ito ang pinakamadali sa lahat.

Ang pangalawa kong ginawang tula ay isang kumbensyonal na tula. Gumamit ako ng mga elemento ng kumbensyunal na tula. Ito ay may labindalawang taludtod at ang ginamit kong tugma ay AAAA. Ang sukat na ginamit ay sampuan. Ang pamagat nito ay Tayo. Ang tulang ito ay patungkol sa dalawang tao na nagkakilala at habang lumilipas ang panahon ay nahuhulog ang loob sa isa’t-isa. Habang lumilipas ang mga araw, tuluyang nahulog ang loob. At sa huli ay naging sila na.

Ang pangatlo at huling tula na aking ginawa ay ang malaya na tula. Mayroon itong labindalawang taludtod lahat. Bawat saknong ay may apat na taludtod. Siya ang pamagat ng tulang ito. Ang salitang ‘siya’ ay tumutukoy sa aking ama. Sa tulang ito ay ipinahiwatig ko kung ano ang mga sakripisyo at kung sino para sa akin ang aking ama.


Ang Paggawa


Isinulat ni: Katrina Ubongen

         Paano ko ba nasulat ang aking mga tula? Sa totoo lang ay wala talaga akong alam kung paano gumawa nang tula, wala din akong innspirasyon para gumawa nang tula. Pero wala akong magagawa dahil isa itong proyekto. Habang nag iisip ako nang mga inspirasyon para gumawa nang tula ay kumuha mona ako nanng ballpen at papel para paglagyan nang draft nang aking mga tula. Ang unang tula na ginawa ko ang isa haiku at tungkol ito sa mga puno, inisip ko muna kung ano nga baa kadalasan ang problema nang ating bansa kung saan polusyon ang unang-una kung kaya namay puno ang aking piniling paksa upang an iba ay malaman nil ang kahalagaan nang puno. Ang pangalawang tula ay parang kinuha ko lang sa kawalan. Kasi kung gagawa akong nang isang tula na tungkol sap ag-ibig ay parang kkompikado na saakkin kung kaya ay gumawa ako para ma hamon ko ang sarili ko na gumawa nang isang komplikadong tula. At ang panghuli naman ay isang malayang tula. Nilagay kung ang mga mensaheng gusting ipahiwatig nang aking utak at ginawa iyong tula.

Comments