Ang asignaturang Ang Sining ng Malikhaing Pagsulat ay tunay na isang nakakabaliw ngunit masayang asignatura para sa mga mag-aaral. Nakakabaliw ito dahil may mga panahon na talagang hindi alam ng mag-aaral kung patungkol ano ang paksa niya. Masaya naman dahil may mga makabagong kaalaman na nakukuha na talagang magagamit sa hinaharap. Iba’t ibang mga inspirasyon o ideya ang ginagamit nila sa kanilang mga sulatin. Patungkol man ito sa pag-ibig, pamilya, kalungkutan, problema, pag-asa at marami pang iba. Iba’t- ibang emosyon ang napapalabas sa bawat sulatin na nagagawa. Sa asignaturang ito ay hindi mo lang malalaman ang iba’t ibang uri ng mga sulatin kundi pati na rin ang iba’t-ibang paraan kung paano mo ito ilalahad.
Ang pag-aaral ng asignaturang ito ay sadyang mahalaga dahil maraming kaalaman na makukuha dito na talagang magagamit sa hinaharap.
Comments
Post a Comment