Prologo

The true sign of intelligence is not knowledge but imagination.
Albert Einstein 

Wari o imahinasyon. Ito ang napiling pamagat ng mga manunulat ng blog na ito sapagkat ang blog na ito ay naglalaman ng koleksyon ng mga imahinasyong inilahad sa pamamagitan ng pagsulat ng mga may-akda. Sa pamamagitan ng asignaturang Malikhaing Pagsulat, naipamalas ng mga may-akda ang kanilang kakayahan sa pagpahayag ng kanilang damdamin at saloobin sa pamamagitan ng pagsulat. Napukaw ang imahinasyon ng mga may-akda at nalinang ang kanilang talento sa pagsulat. Ang koleksyong ito ay hindi nakasentro sa iisang tema sapagkat pinapahalagahan nito ang sari-sariling damdamin ng bawat manunulat.

Ang blog na ito ay may apat na bahagi: ang mga tula, isang maikling kwento, iskrip ng dulang ginawa mula sa maikling kwento, at ang craft essay  ng mga manunulat tungkol sa kanilang ginawang mga tula. Sa unang bahagi, ang mga may-akda ay gumawa ng tatlong tula bawat isa na nagpapahayag sa kanilang damdamin. Ang maikling kwento naman ay sama-samang ginawa ng mga may-akda na kung saan ipinapakita nito ang sitwasyon ng mga kabataang hindi natamo ang kanilang mga pangarap. Ang iskrip naman ng dula ay isang adaptasyon ng maikling kwento ngunit mayroong mga eksenang binago. Panghuli, ang mga craft essays ng mga manunulat ay naglalaman kung paano nila ginawa ang kanilang mga tula.

Comments